Paano nga ba ma-inlove si Lala?

(Credits to the rightful owner if this photo.)

PAUNAWA: Ang sumusunod na pahayag ay base lamang sa naaalala kong AKO sa aking mga nakaraang relasyon. Ang iba ay maaring magbago na, kung papasok man ako muli sa isang relasyon. Wag nang kumontra!

So, Paano nga ba pag-nagka-partner ako? Ito ang ilan sa mga naaalala ko:

Submissive
- in such a way na sumusunod ako sa gusto niya kasi ayokong mabawasan yung musculinity niya, and as long as hindi ito labag sa kalooban ko. Gusto ko kasi lagi siyang masaya.

Giver
- Hindi ito yung konotasyong "2,500 plus Rubber shoes". What I mean is, as much as kaya ko yung hinihiling niya, go lang! Basta masaya siya. Yung nanghingi ng space, oras para sa sarili, cool off, hala sige! Bigay lang ng bigay! Ibigay ang hinihingi, kahit di ko na alam ang kalalagyan ko afterwards.

Forgiver
- Yung tipong pabebe lang yung tampo. Konting landi lang, okay na ulit. Forgiven na siya. Yung tipong, kahit isang linggo siyang hindi magtext o magparamdam, pag nag ring yung phone ko tas pangalan niya lumabas, okay na ulit siya saken. I don't know why I just can't say NO! Haha

Clingy
- Mahilig akong hawak niya yung waist ko. Tapos, nakayakap siya lagi sakin. Tapos, kinikilig ako pag hawak niya yung kamay ko. Tapos, gusto ko lagi akong nakayakap sa tiyan niya or sa braso niya kasi alam kong they're big enough to keep me warm and safe. (Ahhhhh! The memories! HAHA. LOL!)

Effort
- Willing akong bumyahe ng disoras ng gabi pumunta lang sa kanila kahit alam kong kinabukasan ay papagalitan ako ni Mama kasi umaga na din ako nagtext. Or, yung pupunta ka apartment niya na three to four rides from school kasi gusto niyang maglunch kami ng sabay. Mga buwis buhay effect ba? Minus na buhay, buwis effect nalang pala.

TANGA
- At siyempre, ang pinaka sigurado akong ako at alam ko namang "I'm not rhe only one"  ika nga ni Sam Smith. Sino ba namang hindi para sa taong mahal mo 'that moment' diba? Yung tipong sinabi na sakin or nakita ko na na lantaran akong niloko, tinanggap ko pa. Yung alam kong joke lang yung relasyon namin, pinagpatuloy pa. Tapos yung pag aantayin ka ng sobrang tagal, na hindi mo alam kung may babalik pa, or kung kayo pa ba, pero pag andyan na, pinatawad pa. O diba, TANGA? :P

Comments

Popular posts from this blog

Music of life