There are the should've been and could've been, but some things are just not meant to be; no matter how much you try to keep it, no matter how much the love is.
Nakakapanlumo, Kapag muling pinaramdam sayo Na kahit anong gawin mo'y wala ka pa ring kwenta sa mundo. Lahat nang taong ginugol mo para pagbutin ang iyong sarili'y tila binalewala ng ganon kadali. Binabalik ang ang nakaraang pinipilit bigyan ng rason, Upang hindi na maramdaman ang sakit ng kahapon. Sakit na dahilan ng pagkatao mo ngayon, At iyong patuloy na dadalhin sa mga susunod pang taon.
Saan nga ba hahanapin ang liwanag? Kung dilim ay nangingibabaw? Paano tatahakin ang tama? Kung landas mo ay nawawala? Susubukan mong kumawala Sa pagkakagapos ng pagkaulila Ngunit ika'y mabibigo At magtatanong kung ba't nga ba naririto Minsan hindi mo kailangang magsalita Hayaang dumaloy lang ang luha Ilabas ang nasa kalooban Upang ibsan ang nararamdaman.
Comments
Post a Comment