Kawalan


Saan nga ba hahanapin ang liwanag?
Kung dilim ay nangingibabaw?
Paano tatahakin ang tama?
Kung landas mo ay nawawala?

Susubukan mong kumawala
Sa pagkakagapos ng pagkaulila
Ngunit ika'y mabibigo
At magtatanong kung ba't nga ba naririto

Minsan hindi mo kailangang magsalita
Hayaang dumaloy lang ang luha
Ilabas ang nasa kalooban
Upang ibsan ang nararamdaman.



Comments

Popular posts from this blog

Ewan. Hindi ko alam.

Kawalan